Search This Blog

Tuesday, October 27, 2015

MIMAROPA TOURISM

Kahit saang anggulo tignan ang Morion ng Marinduque ay laging parte ng isang okasyon kung saan ang turismo ang pinag-uusapan.   Hindi maiaalis na ito ay bahagi ng kultura at tradisyon ng Marinduque.   Malaki ang naiitulong nito sa antas ng turismo kahit sa kabila ng taos sa puso pakikipagtulungan ng mga miyembro ng mga namamanata sa likod ng maskara hindi pa rin sapat ang tulong ng nangangasiwa.   Dahil dito, iilan pa rin ang nakakapagsuot ng Moryon kahit marami ang nais na magsagawa ng pamamanata.   Malaking halaga ang kailangan upang magkaroon ng sariling kasuotan ng Moryon.    Kaya kailangan mong bigyan ng oras at panahon upang makumpleto mo ang isang kasuotan nito.    Hindi lamang ito, ihahanda mo rin ang iyong sarili sa aspeto ng espiritwal, emosyonal at pisikal upang ganap kang maging tunay na Moryon ayon sa turo ng Simbahang Katoliko.     


Kaya magiging ganap kang tunay na Moryon kung handa ka.    Hindi lang basta pagsusuot nito kundi handa ka sa anumang bagay ayon sa turo ng Simbahang Katoliko.   Ang pagsusuot ng maskara tuwing Mahal na Araw ay isang hiwaga kung tunay kang mamamanata sa likod ng maskara dahil hindi mo mararamdaman ang pagod sa ilalim ng sikat araw.   Ganap kang magiging tunay na moryon kung isasabuhay mo ang turo at salita ng Diyos.     

Ang Moryon ng Marinduque ay angat sa sinumang nais na gumaya o tumulad sa pagsusuot nito dahil sa lalim ng kanilang pananampalataya at pagsunod sa yapak ni Hesukristo.   Ang tunay na pamamanata ay nanggagaling sa puso at isipan ng tunay na Moryon ng Marinduque.   Walang sinuman makakatulad nito kundi nagmula sa lahing Marinduqueño. - The Author

--ooOoo--


No comments: